Of Bebeng and Her FriendsUna sa lahat gusto ko magpasalamat sa mga bumoto sakin and to take this opportunity to campaign... fellow bloggers: dear friends in real life and real friends in blog life,
PLS VOTE FOR ME as
FILIPINO BLOG OF THE WEEK! Poll's at the sidebar. Just click on
ROMANCINGVENUS and submit. It won't take a minute off your time plus I'll be forever indebted to you. Win-win situation tayo.
--
Parating na si
Bebeeeeeng!!!
Aba! Kahit nasa Amerika ako I'm still updated with the majority of what's happening in the Philippines. At yun na nga parating na si Bebeng the Bagyo!
One of my fondest memories nung bata pa ko ay yung mga times na bumabagyo. Ano pa nga ba ang pinagdadasal ng mga estudyante kundi masuspend ang klase. Admittedly I was one of those. We would tune in early either sa radio or sa TV (or both) hoping for a news announcement declaring that there weren't any classes. Sisilip kami sa bintana ng mga kapatid ko just to see if may baha na. Magtataklob ng kumot, babaluktot sa kama habang nagluluto ang mom ko ng
champorado or
arroz caldo. Heartbroken kapag narinig mo na ang busina ng school bus dahil sinyales na ng hindi pagdinig ng pagdadasal mo. What a classic. Aaaah pag bumabagyo nga naman. Twas definitely sweet for students! There was even a time na pinasok ang bahay namin ng baha and in the street the flood water was chest-high, but a kid as I was, I found it amusing. We even videotapped it (VHS pa nun). Believe it or not ang mga neighbor namin na mga foreigner, aba! May ngjjetski ba naman! May namamangka din! Akalain mo nga naman yun! Ginawa ba namang beach! You can just imagine how giddy I was as a child, the atmosphere was almost festive. Yun nga lang inis na inis ang mom ko kasi lumubog TV namin at kotse oh but I couldn't care less. It was a perfect excuse not to come to school.
champorado, arroz caldo anyone?
I've also had my fair share of
paliligo sa ulan. When I was in elementary, my mom would join me and my ate sa park katabi ng bahay namin. We would take turns pushing each other sa swing and climbing up the slide. At kahit pa putik putik na kami, go lang ng go. After nun we would play
tumbangpreso kahit pa napaka lakas ng ulan. Bata pa ko nun and for sure I couldn't do that anymore, baka kung anu-ano pa ang bumakat, kuya wouldn't approve not unless patakas. How I miss those days. Ang ulan nga naman, definitely a part of every Filipino's life.
Since I arrived here sa California, it has only rained once. It doesn't rain much here in the states. Sinama ko pa naman sa balibayan box ko ang paborito kong payong only to find out that nobody uses an umbrella here. I really miss rainy days in the Philippines...
Pag uwi ko maliligo ako sa ulan.
Labels: good times, rain, rainy days
11:44:00 PM
5 comment(s):
aha, napa '0'ng mabasa ang part na hanggang chest ang baha dito sa pinas but i never thought in the first place na bata ka pa alng noon, musmos na bata at di na pwede maligo sa ulan ngayon baka ano pa ang bumakat. hehehe. One in a black in white rainbow lang dyan umuulan sa ca. sigurado ako na mamiss mo ang ulan pero hwag lang ang baha. u take care!
By RedLan, at 5:07 AM
haha baka bumakat ang tsan. woooh! to talaga kng anu ano iniisip. haha pano ba naman ung bahay namin across ng pader may creek! kung hnd ka ba naman bahain nun. tnx redlan sa comment! ^_^
By Cory, at 10:23 AM
i can so relate!!! ako naman since nagwork, nawala na ang privilege of suspension pag umuulan. hanggang stranded na lang ako ngayon. hehe and i miss ang paliligo sa ulan!
By Tami, at 7:33 PM
"Una sa lahat gusto ko magpasalamat sa mga bumoto sakin and to take this opportunity to campaign... fellow bloggers: dear friends in real life and real friends in blog life, PLS VOTE FOR ME as FILIPINO BLOG OF THE WEEK! Poll's at the sidebar. Just click on ROMANCINGVENUS and submit. It won't take a minute off your time plus I'll be forever indebted to you. Win-win situation tayo."
I voted for you twice...pwede pala yun...hehe
By Anonymous, at 9:35 AM
haha tnx ayel!
By Anonymous, at 10:48 AM
Post a comment
<< Home