Think of Julia and Dr. Martin
Hearing: One and Only by Timbaland ft. Fall Out Boy... whoooh I'm loving FOB!!!
Where@: house pa din
Whatup: it's cold for a normal spring day!
Early morning. As I was browsing through Dr. Martin's blog, I read through his posts for April 2007 as well as the comments for each and I stumbled upon a post about Julia Campbell, the US peace corps volunteer who was brutally murdered in Banaue last month.
I was already here in the states when I found out about that incident through GMA Pinoy TV to which we are tuned in everyday. Hiyang hiya kami ng mga kapatid ko. How can someone so compassionate be mercilessly slaughtered in the hands of the people she is trying to help? Tayo na ngang tinutulungan tayo pang inggrato?! I don't even know kung yung statement ng so-called killer ni Julia is telling the truth. Parang binayaran eh para maclose na yung case, para lang masabi na ginawa ng pulisya lahat ng magagawa nila. Pathetic if you come to think of it. And if my speculation is true, most talaga ng tao sa Pilipinas nababayaran na sa sobrang pagkalugmok ng bansa natin sa hirap. Malungkot pero yan ang totoo. It is the bitter reality that we have to face.
I applaud GMA kasi they care enough to show ads about political awareness like "Sa Isa Kong Boto." Ang obnoxious sa iba but I can't help but be moved everytime na napapanuod ko yun lalo na yung about sa doctor-for-the-barrio na napilitan mag nursing. Sobrang striking nun para sakin at sobrang sakit na ipagpalit mo at pagmamahal mo sa bayan mo para lamang maiahon ang pamilya mo. Parang sa gf-bf relationship yan eh, nagmahal ka pero hindi ka minahal. Pero hindi pa naman huli ang lahat meron pa din namang pag-asa. It's actually not our country's fault but of the leaders na nakaupo sa office nila't nagpapakasasa't binabawi lahat ng ginastos nila sa pangangampanya sa pamamagitan ng kaban ng bayan. Ang mga walanghiya nga naman. Bakit ba sila nagkakandarapa, gumagastos ng milyon milyon over a job na ang kita lamang ay Php35,000 kada buwan????!! Eh hindi naman nila mababawi ginastos nila kahit pa 10 taon sila nakaupo sa pwesto nila. Garapalang nagnanakaw ang mga walanghiyang trapo.
But I haven't given up believing. It is not too late and I haven't lost hope. There are still people out there who are willing to give up their personal comforts ng walang hinihinging kapalit. Thank you Julia and Dr. Martin. Sana marami pang tao ang tumulad sa inyo.
------------
11:30:00 AM
0 comment(s):
Post a comment
<< Home